Miyerkules, Disyembre 3, 2014

Paglalakbay sa Tagaytay










By: Salvedia, Joven S.




















             Noong buwan ng Hunyo , taong 2013 pumunta ang aming pamilya sa Royale Tagaytay Estates upang magbakasyon sa sinasabing Sunrise Mansion. Naintriga ang aming pamilya sa pangalan nito kaya nais naming tingnan ang sinasabing mansion. Ang bawat isa ay sabik na sabik habang nasa sasakyan palang upang makita ang magandang tanawin sa naturang lugar.





                  Syempre bago pumasok ay kumuha muna kami ng litrato kasama ang magandang tanawin sa labas ng estate. Naunang magpalitrato ang nanay at tatay ko na talaga namang kitang kita sa kanilang ngiti ang saya at pagkasabik.




Syempre hindi papatalo ang mga anak sa pagkuha ng litrato.


             At ito na nga, sa aming pagpasok sa loob ng estates ay nakita agad namin ang naturang 'Mansion' , agad-agad kaming nagpakuha ng litrato ng aking ate bago pumasok sa loob.'

             Hindi matatawaran ang saya na napinta sa aming mga muka sa aming pagpasok sa Sunrise Hotel Mansion. Totoo ang mga mga review patungkol dito na talagang hindi ka magsisisi sa pagpunta at pagbakasyon sa lugar na ito. Ref: http://sunrise.com.ph/ .

             Mayroong swimming pool at hotspring na talaga namang matutuwa ang buong pamilya. Mayroon ding gym,gazebo,Jogging path,bar at board room.





             Makikita sa larawan na talaga namang pati ang mga kwarto ay kaengga-engganyo. Mayroong cable tv, bath tub, refrigerator, balcony at naglalakihang kama.


              Ang aming bakasyon sa Sunrise Holiday Mansion ay masasabi kong isang paglalakbay na sulit at masaya.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ito ang pa ang isang paglalakbay sa Tagaytay ng aking kaibigan.

By: Bonifacio, Kamille



              Sampung taon na ang nakalilipas nang bumisita ang aming pamilya kasama ang ilan kaibigan sa Tagaytay. Napakabata ko pa noong panahong iyon. 7 taong gulang pa lamang ako ngunit hanggang ngayon ay hindi ko malimutan ang paglalakbay naming iyon. Sa tuwing may proyekto kami patungkol sa paglalakbay, ayun agad ang unang pumapasok sa aking isipan. Isang hindi malimot- limutang araw talaga ang nangyari noon. Ang Tagaytay ay naging magandang alaala sa akin mula sa aking pagkabata.

              Kasama ko ang aking pamilya sa pagpunta sa Tagaytay at kasama rin namin ang mga kaibigan ni mommy at yung mga anak nila na kaibigan namin dahil kaedad namin sila. Plinano ito nang magkakaibigan bilang outing na magsisilbing reunion nilang magkakaibigan.






             Si daddy ang driver namin. Parang siya ang tour guide namin. Magaling kasi siya sa mga lugar. Bumyahe kami mula Calamba hanggang Tagaytay. Ang pagkakaalala ko, pumarada lamang si daddy sa isang lugar tapos naglakad lakad na kami pra makarating kung saan saan. Nagpunta kami sa People’s Park in the Sky. Nagpunta rin kami sa picnic grove at dumaan kami sa hanging bridge. Hinding hindi ko rin malilimutan ang giant pineapple ng Tagaytay dahil natutuwa ako dun nung bata pa ako. Nadaanan din namin ang isa sa mga wishing well sa Tagaytay. Sa totoo lang, ang madalas kong naaalala ay paglalakad pero sa bawat hakbang na iyon, ngiti naman ang kapalit. Naaalala ko rin na tuwang tuwa ako pagkauwi dahil nakapulot ako ng 20 pesos tas wala namang nagmamay-aring iba. Syempre sobrang saya ko na noon dahil napakalaking halaga na ng 20 pesos sa isang bata. Umalis kami ng masayang masaya sa Tagaytay noon. Napagod man, napabaunan kami ng ngiti at magang alaala na hindi maliliutan.



             Ang Tagaytay ay lugar kung saan pwede pumunta ang isang pamilya, magkakaibigan, o sinuman na tiyak na magbibigay ngiti sa kanilang mukha. Kung mabibigyan ng pagkakataon, nais kong makapunta ulit dito kasama ang aking mga mahal sa buhay kasama na ang aking pamilya at mga kaibigan.



1 komento:

  1. Link 12bet - Vie Casino
    Link 12bet offers a unique online sports betting and casino offering to the world's largest online bookmakers. You can enjoy leovegas over 3000 sports 12bet betting クイーンカジノ

    TumugonBurahin